Friday, January 12, 2018

Halimbawa ng Isang Argumentatib tungkol sa mga Taong nakatira sa Iskwater

Bahay-bahayan
ni Abdola Mariano


Lahat tayo ay nanggaling sa pagkabata. Nanggaling sa mga larong naging uso lang noong tayo ay wala pang masyadong alam. Hindi ako naniniwala na hindi ka nakaranas ng magbahay-bahayan kasama ng iyong mga kababata. Marunong ka bang magluto-lutuan gamit ang lata? Marunong ka bang magtayo ng bahay gamit ang tangkay ng kahoy, selopin at pinagtagpi-tagping karton? Marunong ka bang magkunwari bilang ina, ama, o anak? Pwes, kung marunong ka saan man sa tatlong ‘yun, ikaw ay nakaranas na ng magbahay-bahayan at ikaw ay nanggaling sa masayang karanasan.

Noon, 'pag narinig natin ang salitang bahay-bahayan, ang naiisip agad natin ay laro. Laro na kinapapalooban ng mga batang magkapamilya, mga batang nagkakatuwaan sa sobrang galak at mga batang nagsisigawan at naghahabulan paikot sa maliit na bahay. Pero ngayon, pagnarinig natin ito, ang pumapasok sa ating isipan ay ang mga taong nakatira sa mga iskwater. Mga taong walang maayos na tirahan, walang permanenting lupa. Sila yung matapang na nakikipaglaban sa mga gobyerno para sa kanilang permanenting bahay. Sila rin yung walang maayos na tubig, pagkain at lalong walang maayos na tulog.

Sila nga yung walang maayos na pamumuhay, sila pa yung pinapaalis. Hindi dapat sila pinapalayas sapagkat wala silang matutuluyan. Kung sino pa yung naghirap, sila pa yung pinapahirapan. Sa aking mga naobserbahan, maraming mga tao ang kinakaladkad palayo sa iskwater dahil hindi sila pinapatuloy.

Ipagpalagay mo na ikaw ang nasa kanilang sitwasyon, kaya mo bang iwan ang lupang iyong kinagisnan? Kaya mo bang iwan at talikuran ang lahat ng mga masasayang alaala na nabuo ninyo kasama ng iyong mahal sa buhay? Marahil 'di mo kaya.

Para sa akin, tutol ako sa pagpapaalis sa mga taong nakatira sa iskwater. Kung paaalisin man sila, dapat siguraduhing merong nakahanda na bagong tirahan nila para sa pagbabakwit.

Sa panahon talaga natin ngayon, marami na tayong mga nakikitang mga bahay-bahayan. Sila dapat yung inuuna ng mga gobyerno upang lahat tayo ay sabay na uunlad. Dahil, ang pag-unlad natin ay ang pag-unlad ng ating bansa.

Sana, sa susunod na taon hindi na rarami ang mga taong nakatira sa bahay-bahayan. Sana bahay  na lang ang ating maririnig, hindi na yung bahay-bahayn. At, sana, ipairal natin ang pagiging matapat upang sa ikagiginhawa ng lahat lalong lalo na yung mga taong nasa tuktok ng tatsulok.

Maikling Kwentong Kababalaghan ('Wag basahin kung matatakutin ka)

Hele Higanti
ni Abdola Mariano


Sinasabing karamihan sa mga eskwelahan ay may kababalaghan na nagaganap. May mga ligaw na kaluluwa raw ang umaali-aligid sa mga classroom na tahimik at medyo madilim. Piling mga tao lang daw ang nakakakita sa kanila. Pero, bakit? Isa ba ako sa mga taong napili? Minsan ko ng natanong sa aking sarili na malas ba ang may kakayahan na makikita ng isang kakaibang elemento o swerte? Totoo nga ba talaga na lahat ng tao ay may third eye? Kung totoo yun, bakit ang iba ay hindi makakita ng mga kaluluwang nakikita ko? Dahil ba hindi ito nakabukas? Ilan lamang yan sa mga tanong na umiikot sa aking isipan sa tuwing ako’y nakakaramdam ng kakaibang kilabot sa aking buong katawan. Yung kilabot na tila ba ang tagal mawala. Yung pakiramdam mo na parang pinasok ka sa isang refrigerator sa loob ng isang oras dahil sa sobrang lamig na iyong naramdaman.

Ako si Harry, labimpitong taong gulang na, na kasalukuyang nag-aaral ngayon sa mataas na paaralang pambansa ng Luna. Isa ako sa mga mag-aaral na may kakayahang makakita ng mga kakaibang nilalang.

Noon, nung hindi pa ako nag-aral hanggang sa ika-siyam na baitang, hindi talaga ako naniniwala sa mga multo multo na ‘yan. Hanggang sa pagtungtong ko ng grade ten, parang may mga tinig na bumubulong sa akin na dapat akong maniwala na totoo sila, ang mga multo. Pinilit kong ayaw maniwala upang hindi sila magpapakita sa akin dahil alam kong matatakot talaga ako. Manginginig talaga ako sa lamig at mininindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

May nakapagsabi sa akin, isa sa mga kaklase ko, na kung sino yung hindi maniniwala sa multo ay sa kanila ito magpaparamdam. Tinatawanan ko lang sila dahil alam kong hindi totoo ito. Walang ebedinsya na magpapatunay na totoo ang sinasabi nila. Pero, habang sinasabi ko ‘yun, parang natatakot na ako deep inside pero hindi ko pinahalata para kunwari matapang. Sabi ko na lang sa sarili ko na hindi sila totoo, na hindi sila magpaparamdam sa taong kagaya ko.

Kinabukasan, Lunes na Lunes, nagmamadali akong naligo, nagbihis at kumain upang hindi ako mahuli sa klase. Maaga akong pumasok sa paaralan, hindi ko namalayan alas-singko pa pala kaya walang ibang tao maliban sa akin. Ang guard naman wala pa. Pagbukas ko sa gate, lumingon muna ako kung may tao o wala, kasi baka naman may nagtatago at pagtripan ako. Wala naman akong nakita. Ang school kasi namin, hindi masyadong malaki. Pagbukas mo pa lang sa gate, makikita’t malilingon mo na sa bandang kaliwa ang faculty, at sa likod nito ay ang bagong gusali ng baitang labing-isa at baitang labindalawa, at sa pangalawang palapag ay ang opisina ng mga guro sa senior high. Sa kanan naman ay ang lumang HE. Samantalang sa harap, makikita mo ang tagdan ng bandila mga sampung hakbang mo lang, at sa unahan nito, mula sa kanan ay ang computer lab, dalawang seksiyon ng baitang walo, sinundan naman ng dalawang seksyon ng baitang pito. Sa likod ng computer lab ay ang library, tapos isang seksyon ng baitang siyam sinundan ng clinic at canteen. Sa likod naman ng ika-pitong baitang ay ang isang seksyon ng baitang siyam tapos isang bakanteng silid at tapos dito na nakalinya ang tatlong seksyon ng baitang sampu na kung saan isa dito ay ang aking silid na pupuntahan ko. Kung tititngnan mo ang aming paaralan mula sa taas, para itong isang  letrang “H”. Maliit lang talaga ito pero mapapansin  mong may kakaiba kumpara sa ibang eskwelahan.

Habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang classroom upang makatulog muna saglit, may nakita akong kulay puti sa unahan na gumagalaw. Hindi ko alam kung ano ‘yun kaya nagdahan-dahan lang akong lumakad dahil nagdadalawang isip ako kung magpapatuloy ba ako o tatakbo na lang pabalik palabas sa gate. Kahit iniisip ko na hindi ‘yun multo, natatakot pa rin ako dahil mas nangingibabaw pa rin ang pagiging matakutin ko. Tatlong classoom na lang ang hahakbangin ko upang makarating na ako sa silid namin. Nagpatuloy ako sa paglalakad na may hawak na bato sa kanang kamay at kuwentas na bronse sa kaliwa dahil ‘yun kasi ang sabi nila na ang mga multo raw ay natatakot sa bronse. Dahil, sa kabisayaan pa, sila ay “mangilngigan” sa mga ito. Hinigpitan ko talaga ang paghawak ko upang hindi mahulog dahil pagnahulog ito, hay mahirap na.

Nung isang classroom na lang ang pagitan namin, huminto na ako at saka ko to tinitigan ng  maigi. Nagtaka ako kasi akala ko isa lang itong selopin na kulay puti na nakasabit. Ngunit hindi, isa itong babae. Pagkakita ko na isa itong babae, agad kong pinikit ang dalawang mata ko tapos sabay talikod. Hindi ko pa nakita ang mukha nito dahil nakatalikod siya. Pagkatalikod ko, gustong gusto ko na talagang tumakbo, pero parang nakadikit yung mga paa ko sa semento. Totoo pala ang sinasabi nila na ‘pag natakot ka na gustong gusto mo ng tumakbo, hindi mo magagawa dahil parang binabalot ka ng yelo sa lamig dahil sa iyong panginginig.

Binalik ko ang tingin ko sa babae. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko na sinasabayan ng aking mga kamay. Pagdilat ko, nawala na ito. Nakaupo na lang ako sa pintuan ng katabi ng seksyon namin sabay takip ng mga kamay ko sa mukha. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit siya nagpakita sa’kin, kung bakit ganun yung suot niya. Ano kasi, yung suot niya punit-punit, nakablouse pero ang daming gusot, tapos wala siyang sapatos, yung saya niya ang daming sulsi at mapapansin mo talaga na para siyang inabandona. Medyo mataba siya, hindi gaanong matangkad, hindi rin masyadong maitim, yung buhok niya tila ba parang isang sunog na kugon na parang malalagas na sa sobrang kawawa. Mahahalata mo talaga sa kanya yung taong binubully ng mga kamag-aral niya.

Makalipas ang ilang minuto, hindi ko napansin na marami na palang estudyante. Nakatulog kasi ako sa takot. Nagising na lang ako nung naramdaman kong pinagsisigawan na nila ako ng “GISING…” Napatayo bigla ako upang tingnan ulit yung kinaroroonan ng babae kung meron pa ba, kung bumalik ba siya. Marami ng tao saclassroom, pero bakit iba pa rin ang pakiramdam ko. Natatakot na akong pumasok sa loob baka kasi magpapakita pa siya ulit. Nakatayo kasi yung babae sa harap ng pintuan ng silid namin.

Malapit ng magsi-uwian, wala pa rin ako sa sarili. Wala akong ganang makinig sa aming guro. Natulog muna ako. Nagbabasakaling makalimutan yung pangyayaring hindi makatahimik sa sarili ko.

Paglabas ng aming guro, agad akong pumunta sa library upang magbasa ng mga libro ni Nicholas Spark. Pagpunta ko ron, agad naman akong naglogin para makaupo na. Hindi ko pa natapos isulat ang pangalan ko, mga tatlong letra pa lang may naramdaman na akong hangin na may sumabay na parang puting tela sa bandang tagiliran ko. Nilingon ko ito ng hindi biglaan sabay titig sa sinusulatan ko. Tinanong ko ang dalawang guro na nakaupo sa aking likuran kung may pumunta ba sa CR. Sa CR kasi ang direksyon nito. Sumagot naman sila ng sabay na wala. Kaya, nag-umpisa na naman akong kabahan. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsulat ko. Natagalan kasi ako dahil sa kung ano-ano na ang pumapasok sa’king isip. Pagkatapos kong maglogin, tiningnan ko muna ang aking likuran upang makisigurado kung may nakasunod ba o wala. Wala naman akong nakita maliban sa dalawang guro na nakabantay dito.

Nag-umpisa na akong maghanap ng libro upang mapadali ang pagbasa ko. Siniguro ko talagang maganda ang aking babasahin. Pagkabasa ko ng isang pangungusap, may narinig akong mga yapak ng paa papunta sa may bakanteng mesa tabi ng mesa ng dalawang guro na galing sa CR. Nagtaka ulit ako. Tinanong ko ulit ang nakabantay na guro kung may narinig ba silang yapak. Sinagot naman nila ako ng wala na medyo kinkabahan at parang natatakot na rin. Tumahimik na lang ako tapos nagpatuloy sa pagbasa. Natapos ko na ang isang pahina kaya sa pangalawang pahina na ako. Habang binabasa ko ang simula ng pangalawang pahina, nilakasan naman bigla ng pagbasa ng babae sa aking likuran.  Natahimik ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko na lang siya sinabihan at kinuha ko na lang yung cellphone ko at headset upang makinig ng ballad songs habang ako’y bumabasa.

Nag-umpisa na akong magbasa ulit. Mga ilang pangungusap na lang matatapos ko na ang pangalawang pahina. Nagpokus lang ako sa pagbabasa hanggang sa nilakasan na naman niya ulit. Yung tipong parang inaasar ka. Yung habang nagbabasa siya, parang tinatakot ka. Tumayo na lang ako at binalik yung libro sa kinuhan ko upang bumalik sa classroom. Hindi ko na pinansin yung bababe na nasa likuran ko. Bago ako nagpatuloy sa pagtungo sa silid namin, tinanong ko naman ulit yung dalawang guro. Pangatlo at panghuling tanong ko na talaga ‘to, sabi ko sa sarili. “Ma’am, ba’t hindi niyo pinagsabihan yung babae na nasa likod ko? Ang lakas kasi bumasa”, tanong ko na medyo naiinis. “Eh, ikaw lang naman mag-isa diyan, wala naman kaming naririnig.” Diyan pa lang sa sinabi nila nanginginig na ako. Parang huminto yung paghinga ko. Hindi ko talaga maisip na ako lang ang nakarinig sa babaeng yun. Kaya pala pamilyar yung amoy niya. Parang amoy imburnal na puno ng mabahong basura. ‘Di ko kasi nilingon, kaya hindi ko naaninag. Yung pakiramdam ko ngayon, para na akong nasa alapaap na wala sa sarili.

Pagkarating ko sa silid, agad kong kinuha ang aking bag at dumiretso sa clinic upang magpahinga dahil nahihilo at parang nilalagnat ako ngayon dahil sa sobrang takot na nangyari sa akin kanina lang. Pagkarating ko sa clinic, kinausap ko muna ang gurong nakaassign dito na kung pwede dito muna ako. Hindi naman siya tumanggi. Kaya pagpasok ko tiningnan ko agad ang kama kung wala bang tao, wala nga. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy, humiga na ako at nagpahinga. Pagtagilid ko para makatulog, may narinig akong isang nakabukas na gripo sa may banyo. Tinawag ko ang gurong nakaassign dito, ngunit walang sumagot. Ilang ulit ko siyang tinawag ngunit wala talaga. Wala rin akong nakitang pumasok dito. Nagpatuloy na lang ako sa pagpikit ng aking mga mata. Upang wala talaga akong makita, nagtakip ako ng napakakapal na kumot sabay takip ng tenga. Pero, kahit anong gawin ko naririnig ko pa rin ito. Palakas nang palakas. Tinawag ko ullit si Ma’am pero wala pa rin. Ilang ulit na kong tumatawag dito, kahit sino-sino na’ng  aking binanggit wala pa ring nakakarinig. Sa panghuli kong tawag, nilakasan ko na talaga yung boses ko. Pero, sa paglakas ng aking boses, higit pa ron kalakas ang bagsak ng pinto na nagdudulot sa akin ng matinding kaba. Natulala ako sa aking narinig. Hindi ko talaga ‘to inaasahan. Halos hindi na ako makagalaw sa aking kinalalagyan. Dahan-dahan kong inalis ang makapal na kumot na nakabalot sa aking buong katawan habang nakapikit pa rin. Nagbabakasakali kasi akong tingnan kung ano yun.

Pagdilat ko, nakatayo na pala siya sa aking harapan, yung babaeng kanina pa nagpaparamdam sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Halos sumabog na talaga yung dibdib ko sa’king nakita. Naghahabulan na yung mga hininga ko. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw, pero parang may pumipigil sa akin, parang may humahawak sa leeg ko.  Ang sitwasyon ko ngayon ay parang nakaposas sa kama. Ngayon, ‘di na siya nakatalikod, nakaharap na siya sa’kin, pero hindi ko pa rin makita ang buong mukha niya, tanging bibig niya lang. Natakpan kasi ng buhok niya ang mukha nito.

Yung porma niya ngayon, nakatindig sa harapan ko tapos yung ulo niya nakayuko at medyo nakatagilid, yung parang zombie. Tapos yung kamay niya, sobrang itim at ang kuko nito ay parang ilang taon ng walang putol-putol.

Sa aking nakikita, para siyang nagagalit na naghahanap ng hustisya. Sinigawan ko siya na bakit siya nagpapakita, kung ano ang kailangan niya bakit sa akin lang siya nagpakita. Wala na talaga akong pakialam kung gaano kalakas yung boses ko. Sa bawat pagsigaw ko, unti-unti siyang lumalapit sa akin. Unti-unti niyang binuhat ang kanyang mga kamay patungo sa direksyon ko. Humingi na naman ako ng tulong, pero wala pa ring nagrespond. Siguro, wala ngang nakakarinig sa akin. Habang hinahawakan niya yung leeg ko, nagdarasal na lang ako na sana hindi pa ito yung katapusan ko. Dahil marami pa akong gustong gawin. Nakapikit na lang ako ngayon. Ang Panginoon na lang ang bahala sa akin.

Kinabukasan, nabigla na lang ako nang may humawak sa paa ko. Tiningnan ko  ito, si mama pala. Ginising niya pala ako. Wala akong malay na nandito na pala ako sa bahay. Siguro nahimatay ako sa clinic tapos dinala nila ako sa bahay.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para makaligo na. pagkatapos kong maligo bumihis agad ako at kumain tapos nagtoothbrush at lumakad na palabas sa bahay papuntang eskwelahan. Hindi na ako nagpaaga ng punta baka kasi magpapakita na naman yung babaeng nakaputi.

Nung malapit na ako sa gate, nakita ko si Manong Guard na nakatayo malapit sa guardhouse. Pinuntahan ko siya. Agad ko siyang tinanong kung may nakita ba siyang babae na palaboy-laboy dito sa eskwelahan. Hindi muna siya sumagot. Para bang natatakot.

“Siya yung babaeng ginahasa at pinatay. Siya si Hele Santos, ang dating working student ng bagong principal. Ganito yung nangyari sa kanya. Hinahabol habol daw siya ng isang lalaki sa maputik at lubak na daan dito banda sa eskwelahan. Kahit anong gawing pag-aninag niya sa pigurang iyon, yung lalaking humahabol sa kanya ay hindi raw niya makita dahil madilim. Isang masakit na bagay ang dumapo  sa kanyang sikmura matapos daklatin ang kanyang buhok. Umiyak siya nang umiyak, nagmakaawa, nanlaban ngunit lalo lamang siyang sinaktan nito hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang lahat sa kanya. Kaya, lahat ng lalaki dito sa eskwelahan ay kanyang sinasaktan. Naghahanap kasi siya ng hustisya. Pagkatapos kasing gahasain ay itinapon na sa imburnal at tinusok yung dalawang mata niya. Kinuha raw yung dalawang mata niya para ibenta.”

Nung narinig ko yun, para akong pinalibutan ng apoy dahil sa konsinsya. Ako kasi ang gumahasa sa babaeng yun. Ako ang pumatay sa kaniya. Ako yung kumuha ng mata  niya. Ako yung nagbenta ng mata niya para sa kapatid kong lalaki na may sakit na kanser stage 4. Wala na kasi akong maisip na ibang paraan. Ngayon ko lang ulit naalala dahil matagal na yun. Sobrang tagal na nun. Bakit, kung kayo ba ang nasa posisyon ko, hindi niyo rin ba gagawin ang ginawa ko? Hahayaan niyo bang mamatayan kayo ng isang kapatid? Pag-isipan niyo nga!





PS. Ito’y kathang isip lamang.

Comics Strip of The 1872 Cavite Mutiny - Cavite Mutiny Comics

The 1872 Cavite Mutiny I n the dedication page of his second book, El Filibusterismo, published in 1891, Dr. Jose Rizal wrote, “I dedic...