Friday, January 12, 2018

Halimbawa ng Isang Argumentatib tungkol sa mga Taong nakatira sa Iskwater

Bahay-bahayan
ni Abdola Mariano


Lahat tayo ay nanggaling sa pagkabata. Nanggaling sa mga larong naging uso lang noong tayo ay wala pang masyadong alam. Hindi ako naniniwala na hindi ka nakaranas ng magbahay-bahayan kasama ng iyong mga kababata. Marunong ka bang magluto-lutuan gamit ang lata? Marunong ka bang magtayo ng bahay gamit ang tangkay ng kahoy, selopin at pinagtagpi-tagping karton? Marunong ka bang magkunwari bilang ina, ama, o anak? Pwes, kung marunong ka saan man sa tatlong ‘yun, ikaw ay nakaranas na ng magbahay-bahayan at ikaw ay nanggaling sa masayang karanasan.

Noon, 'pag narinig natin ang salitang bahay-bahayan, ang naiisip agad natin ay laro. Laro na kinapapalooban ng mga batang magkapamilya, mga batang nagkakatuwaan sa sobrang galak at mga batang nagsisigawan at naghahabulan paikot sa maliit na bahay. Pero ngayon, pagnarinig natin ito, ang pumapasok sa ating isipan ay ang mga taong nakatira sa mga iskwater. Mga taong walang maayos na tirahan, walang permanenting lupa. Sila yung matapang na nakikipaglaban sa mga gobyerno para sa kanilang permanenting bahay. Sila rin yung walang maayos na tubig, pagkain at lalong walang maayos na tulog.

Sila nga yung walang maayos na pamumuhay, sila pa yung pinapaalis. Hindi dapat sila pinapalayas sapagkat wala silang matutuluyan. Kung sino pa yung naghirap, sila pa yung pinapahirapan. Sa aking mga naobserbahan, maraming mga tao ang kinakaladkad palayo sa iskwater dahil hindi sila pinapatuloy.

Ipagpalagay mo na ikaw ang nasa kanilang sitwasyon, kaya mo bang iwan ang lupang iyong kinagisnan? Kaya mo bang iwan at talikuran ang lahat ng mga masasayang alaala na nabuo ninyo kasama ng iyong mahal sa buhay? Marahil 'di mo kaya.

Para sa akin, tutol ako sa pagpapaalis sa mga taong nakatira sa iskwater. Kung paaalisin man sila, dapat siguraduhing merong nakahanda na bagong tirahan nila para sa pagbabakwit.

Sa panahon talaga natin ngayon, marami na tayong mga nakikitang mga bahay-bahayan. Sila dapat yung inuuna ng mga gobyerno upang lahat tayo ay sabay na uunlad. Dahil, ang pag-unlad natin ay ang pag-unlad ng ating bansa.

Sana, sa susunod na taon hindi na rarami ang mga taong nakatira sa bahay-bahayan. Sana bahay  na lang ang ating maririnig, hindi na yung bahay-bahayn. At, sana, ipairal natin ang pagiging matapat upang sa ikagiginhawa ng lahat lalong lalo na yung mga taong nasa tuktok ng tatsulok.

1 comment:

Comics Strip of The 1872 Cavite Mutiny - Cavite Mutiny Comics

The 1872 Cavite Mutiny I n the dedication page of his second book, El Filibusterismo, published in 1891, Dr. Jose Rizal wrote, “I dedic...