Wednesday, December 4, 2019

Pakikipagrelasyon ng mga Kabataan - Halimbawa ng isang argumentatibong sanaysay



Pakikipagrelasyon ng mga Kabataan
ni: Abdola Mariano


Babe, hon, bebe ko, mahal, palangga, kuya, ate, mine, mang, at pang. Sampu lamang yan sa ating mga naririnig na call sign o tawagan ng mga magkarelasyon na kabataan sa paaralan, pamilihan, parke, o minsan ay maging sa kanto ng kalsada. Marami na sa atin ngayon, lalong lalo na ang mga kabataan ang nagkakaroon ng karelasyon. Siguro, para may mapagsabihan ng mga problema, para hindi matawag na torpe, para may pagbibigyan ng rosas tuwing Valentine's Day, para maranasan man lamang kung ano ang pakiramdam kapag may nagtext sayo ng ,"Kumain ka na ba love? Matulog ka ng maaga hon." O, siguro, sadyang sumasabay lang talaga sa uso. Halos lahat na yata ng mga kabataan ang may karelasyon. Hindi man personal, siguro sa facebook, text message, skype, o ano pa ang pwede. Pero ang tanong ng nakararami, "Masama ba talaga ang pakikipagrelasyon ng mga kabataan?"

Sa ating modernong mundong ginagalawan ngayon, hindi na bago sa atin ang isyung ito lalong lalo na ngayon na marami ng pamamaraan upang ikaw ay magkaroon ng kasintahan. Marami ang nagsasabi na nakakasama raw ito sa pag-aaral o sa trabaho. Dahil, hindi na nakasentro ang atensyon mo sa iyong ginagawa dahil sa kaiisip, katetext, o pagchachat sa iyong nobya o nobyo. Nakapagdudulot  ito ng maagang pagbubuntis o pag-aasawa . Hindi pa 'yan, nauuwi din  ito minsan sa pagpapatiwakal dulot ng break-up at malaki daw ang tiyansa na hindi ka makapagtapos ng pag-aaral.

Ngunit, sa kabilang banda, marami din naman ang nagsasabi lalong lalo na ang mga nakakaranas na ng magkaroon ng kasintahan  na  nakapagbibigay ito at nakapadagdag  sa mga  pinagkukunan ng lakas. Ginagawa  nila itong inspirasyon upang mashuhusayan at pagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral o pagtatraabaho para sa kanilang kinabukasan. Sa katunayan pa nga  ay mas nagaganahan silang mag-aral o  magtrabaho dahil iniisip nila na binibigyan pa sila ng Panginoon ng silbi kung bakit dapat magsumikap.

Para sa akin, wala naman talagang masama sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Nakadepende lang kasi ito kung paano mo dadalhin ang isang relasyon. Dahil naninawala akong ang mga matatapang lang ang pwedeng sumabak sa ganyang mga bagay, dahil ang pagkabigo ay parte ng relasyon. At higit sa lahat, bago ka papasok sa mga relasyon, dapat handa ka na sa mga maaaring mangyari.. Handa ka ng masaktan, mabigo, umiyak, magtiwala at magmahal muli. Ngunit ang tanong, handa ka na ba?

No comments:

Post a Comment

Comics Strip of The 1872 Cavite Mutiny - Cavite Mutiny Comics

The 1872 Cavite Mutiny I n the dedication page of his second book, El Filibusterismo, published in 1891, Dr. Jose Rizal wrote, “I dedic...